Noong sila’y mga musmos pa lamang, nagsumpaan sina Tonton (Enchong Dee) at Gwen (Kiray Celis) na magpapakasal pagdating ng tamang panahon at magmamahalan hanggang kamatayan. Ngunit nang dahil sa tila panunukso ng mga kaibigan ni Gwen kay Tonton, nagkahiwalay sila ng landas at si Tonton ay labis na naghinanakit at isinumpang si Gwen ay papangit. Makalipas ang sampung taon, makikitang pawang nagkatotoo ang sumpang ito ni Tonton kay Gwen. Kung kaya’t sa kanyang kaarawan, hiniling ni Gwen na sana’y dumating na sa buhay niya ang isang lalaking magiging “patay na patay” sa kanya. At tila isang kasagutan sa kanyang hiling, nagbalik si Tonton sa buhay niya at niyaya siya agad nito na magpakasal. Mamamangha si Gwen sa matipuno at guwapong si Tonton, agad niyang tatanggapin ang alok nito na magpakasal. Ngunit tila may hindi maipaliwanag na misteryo sa pagkatao ni Tonton. Simula rin nang magbalik ito sa buhay ni Gwen, tila nagkakasunod-sunod ang pagkamatay ng kanyang mga kaibigan. Siya pa rin kaya ang Tonton na matagal nang hinintay ni Gwen?
No comments:
Post a Comment
comments are not moderated respect is required