Wednesday, September 14, 2016

barcelona, a love untold

Si Ely (Daniel Padilla) ay nasa Barcelona, nagpapakadalubhasa sa Arkitektura, at kumakayod bilang waiter, tour guide at assistant photographer, habang pilit na hinihilom ang pusong sawi sa pag-ibig. Makikilala niya rito si Mia (Kathryn Bernardo) na malaki ang pagkakahawig sa babaeng dahilan ng kanyang kasawian. Baguhan si Mia sa Barcelona, magkakaroon ito ng matinding problema at mangangailangan ng trabaho. Tutulungan siya ni Ely subalit lagi siyang pumapalpak at nagkaka-problema sa mga pinapasukan. Palibhasa pala’ý anak-mayaman si Mia na tumatakas lamang sa galit ng ama kung kaya’t nagpakalayo-layo sa Barcelona. Unti-unting mapapalagay ang loob ni Ely kay Mia ngunit hindi nito tiyak kung handa na siyang magmahal muli. May puwang ba ang kanilang pag-iibigan sa buhay na pilit nilang tinatakasan?

No comments:

Post a Comment

comments are not moderated respect is required